Profiles (A Father’s Rants Part 24)

Simula yata preschool, magkakaklase na sina Pupil A, Pupil B at Melanier.  Si Pupil A at si Melanier, akyat-baba ang grades.  Si Pupil B, lagi yatang number one.  Kung gumagana pa ng maayos ang alaala ko, naglalaro lang si Melanier sa number seven at number eight.  Wala namang narinig sa aming pag-angal.  Alam naming laro lang ang tingin ni Melanier sa inaraw-araw niyang pagpasok sa school.  Maliban ditto, hindi naman talaga kami palaangal.

Nang matapos ang kanilang Grade 3, number seven si Melanier.  Si Pupil B, number one pa rin.  Sa pagtatapos ni Melanier ng Grade 3, nakapagtapos din sa High School ang kuya niyang si Melrein.  Teacher na nila sa Science si Science teacher.

Buwan ng Marso, 2012.  Habang inaasikaso namin ang pag-uwi ng aming panganay sa Pilipinas para ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa Kolehiyo, inasahan na naming mababakante ang silid niya sa aming tinutuluyang flat.  Nagkataon namang  nalaman naming si Science teacher pala ay naghahanap din ng malilipatang flat.

Nagkaalukan, nagkasundo.  Nakituloy na si Science teacher sa amin.

Hindi libre.  Nag-aambagan kami.

Ang building na aming tinutuluyan ay katapat halos ng building kung saan nakatira ng mga lalaking guro sa PIES.  Madalas na nagkikita kami ng ilang guro kapag inihahatid ko si Melanier sa ground floor ng building.  Madalas ding nagkikita ang ilang mga lalaking guro at si Science teacher sa ground floor ng building namin habang naghihintay sila ng masasakyan papasok sa paaralan.

Walang secret.  Alam ng mga guro sa kabilang building na sa amin tumutuloy si Science teacher.  Walang angal.

Grade 4 na si Melanier.  Si Science teacher uli ang naging Science teacher nina Melanier.  Magkakaklase pa rin sina Pupil A, Pupil B at Melanier.   Sa pagtatapos ng school year, number one na naman si Pupil B, number two uli si Pupil A.  Si Melanier, number three na.  Nasaan si John dela Cruz?  Bakit hindi siya naglabas noon ng isang  “investigative report, a protest letter or call it whatever you may”?  Dahil kaya sa number one pa rin si Pupil B?

Grade 5.  Magkakaklase pa rin ang tatlo.  Kasama pa rin namin sa flat si Science teacher, pero hindi na siya ang Science teacher nina Melanier.  Pagkatapos ng school year, number one pa rin si Pupil BNumber two na si Melanier at number three si Pupil A.  Magaling yata talaga si Pupil B.  Hindi natitinag sa number one.  Pero, si Melanier, nakaangat na sa number two kahit hindi na si Science teacher ang Science teacher nila.  Wala pa rin si JDC…

Grade 6.  Hindi pa man nagsisimula ang school year, tila maaassign si Science teacher na maging Class Adviser nina Melanier.

Dumulog si Science teacher kay Principal para hilinging ilipat siya sa ibang grade level dahil kasama nga niya si Melanier sa isang flat.  Sa pagdulog na ‘yon ni Science teacher, kaharap pa nila si Vice Principal.  Ano ang naging aksyon ni Principal?  Inilipat lang si Science teacher sa kabilang sectionGrade 6 pa rin.  Science teacher pa rin nina Melanier, Pupil A at Pupil B.

First quarter.  Akalain ba naman naming magnumber one si Melanier?  Akalain ba naman naming si Pupil A pa ang nagnumber two at si Pupil B, sakauna-unahang pagkakataon ay nagnumber three?

Second quarterNumber two na lang si Melanier.  Wala kaming angal.  Malinaw naman sa aming ganoon talaga ang resulta ng performance niya.  Maliban doon, kakapiraso lang naman ang naging kalamangan ng number one sa kanya – 0.25 percentage point lang.  Malaki-laki pa rin naman ang agwat niya sa number three – 0.50.  Si Pupil A ang number one.  Si Pupil B, number three pa rin.  Kaunting turo ni Misis, kaunting coaching ko, kaya pa ni Melanier magValedictorian.  Seize the opportunity, ‘ika nga.

Bakit noon lang naglabas si JDC ng kanyang “investigative report, a protest letter or call it whatever you may”?

Ano’ng pinagkaiba ng sitwasyon noong Grade 4 sila, na si Science teacher ang Science teacher nila, sa sitwasyon ngayong Grade 6 na sila?  Si Science teacher pa rin naman ang Science teacher nila.  Kasama pa rin naman namin si Science teacher sa flat.

Eto ‘yun – noong Grade 4 sila, number one si Pupil B.  Ngayong Grade 6 na sila, number three na lang si Pupil B.

Sa madaling salita, iisa lang ang talagang ipinaghihimutok ni JDC – nawala sa number one si Pupil B.  Sa tingin ko, hinanapan din ni JDC ng butas si Pupil A, wala lang talagang makita.

Sa halip na humanap si JDC ng paraan para maibalik si Pupil B sa dati niyang lugar, minabuti niyang maghanap siya ng dahilan para hilahin pababa si Melanier.  Si Science teacher ang nakita niyang butas.

Kaano-ano kaya ni JDC si Pupil B at ganoon na lang ang pagmamalasakit niya?

Ayon sa pahapyaw kong pagsusuri sa mga paglalahad ni JDC, at sa timing ng paglabas niya, narito ang profile ni JDC:

  • Wala siyang hanapbuhay, at hindi rin siya nag-aaral.  Marami siyang panahon sa loob ng ilang linggong ginugol sa pagmamasid at pagsasaluysoy sa Facebook accounts ng ilang teachers at stage mothers.
  • Malapit siya kay Pupil B kaya nasaktan nang husto sa pagdausdos ni Pupil B sa number three Kung ang isyu niya talaga ay ang pagtira ni Science teacher sa amin, bakit hindi siya lumabas noong Grade 4 o Grade 5 pa lang ang mga bata at nasa number one pa si Pupil B?
  • Malawak ang kanyang imahinasyon.  Napagtagni-tagni niya ang ilang mga bagay na “nalalaman” niya para makabuo ng isang salaysay na “kapanipaniwala” kahit walang ebidensyang pinagbabatayan
  • May cellphone na ginamit niya sa pakikipag-usap sa kanyang “source”.   Hindi kasi p’wedeng personal at baka maquestion ang credibility at impartiality ng kanyang “source” at mabuko ang pakay nila niya
  • May Facebook account dati, nagdelete nang maramdaman niya ang tagumpay.  Sa Facebook lang pala, matataranta na ang mga bossing, e.  MakapagFacebook din kaya?
  • May kakayahang bumili ng CCTV camera na ininstall sa loob mismo ng flat naming kaya nalaman niyang may mga nagpapatutor kay Science teacher.  Hindi man nakita si Melanier na nagpatutor kay Science teacher, madali namang palabasing nagpatutor si Melanier.  Simpleng insinuation, bibilib na si Principal. Babackupan pa siya ni Sir.

Sino naman kaya ang “nagkanulo” kay Science teacher at kay Melanier?  Ilang pirasong pilak kaya? Hindi kaya ‘yung  Sir na pinatungkulan niya ng  isang malutong na “I salute you, Sir!” sa Facebook?  Ano kayang klaseng social awareness ang ninurture ni Sir sa kanya?  Sino nga kaya si Sir?

Sigurado akong sigurado rin si Sir na kasama namin si Science teacher sa flat.

Kung alam ni Sir na magkasama kami ni Science teacher sa iisang flat, inisip niya sigurong may mali sa ganoong sitwasyon.

Akala siguro ni Sir, sinasamantala namin ang pagsasamang ‘yon para makapandaya sa grades ni Melanier.  Sa tingin siguro ni Sir, mga halang ang kaluluwa namin at kaya naming sikmurain ang pandaraya.  Eh, di Grade 4 pa lang, number one na sana si Melanier.  Pareho sila ng pananaw ni JDC sa amin.

Buo siguro ang paniniwala ni Sir na siya lang ang may kakayahang gumawa, mag-isip at mamuhay sa tama at marangal na paraan.  Nagkataon namang ganoon din katindi ang sampalataya ni JDC sa talino ni Pupil B at sa kagitingan ni Sir.

Nagkak’wentuhan.  Nagkabolahan.  Hindi malayong nagkaplanuhan din.

Kaya lang, sino nga kaya doon si Sir?

Sa pahapyaw kong pagsusuri sa mga paglalahad ni JDC, at batay sa mga nasaksihan ko, narito ang profile ni Sir:

  • Lalaki, at least, biologically – kaya nga Sir, e
  • Posibleng  nakatira sa flat ng mga teachers na lalaki kaya sigurado siyang sa amin nakatira si Science teacher.  Madalas kasi niyang makita at makasabay sa paghihintay ng masasakyan papasok sa school
  • Posible rin namang sa ibang sulok ng Kuwait nakatira.  May access lang siguro sa mga kaganapan sa school kaya nalaman niyang kasama namin si Science teacher sa flat.  Hindi naman namin itinago ‘yun.  Wala kasing dahilan para isecret pa.
  • May cellphone na ginamit niya para makipag-usap sa alter ego ni JDC at sabihin sa kanya ang kanyang mga “nalalaman” – hindi kasi p’wedeng personal at baka maquestion ang kanyang credibility at impartiality
  • May Facebook account na ginamit niya para makipagchat kay JDC bago nagdelete ng sarili niyang Facebook account si JDC
  • May lihim na galit sa mga teachers na nagtututor.  Kakaunti siguro ang tutorial niya, kung meron man.  Sinulsulan Inudyukan niya si JDC para ukilkilin ang isyu ng tutorial

Nagkakaroon na ba ng linaw kung sino si JDC at sino si Sir?

Magkaututang dila pa kaya si Sir at si JDC ngayon?  Palagay ko, hindi na.

Gusto sana ni JDC na maging Valedictorian si Pupil B.  Kaya lang, hindi na talaga p’wede.   ‘Yumg Salutatorian nga, suntok sa buwan na, Valedictorian pa?

Teka, teka… aabsent si Melanier next week

Binggo!

This entry was posted in Opinion and tagged . Bookmark the permalink.

Mag-iwan ng puna