I got up earlier than usual to watch the Aquino Inaugural on TV, switching back and forth from ANC to TFC.
When the ceremonies at the Quirino Grandstand were over, I decided, it was time for me to head to the office planning, among other things, to write my reactions down and post them here. It would be a needed break from the usual Tagalog poems I normally post- or so, I thought.
I was beginning to put my thoughts into words when I suddenly felt the itch to peep into other people’s thoughts through the net.
Manolo Quezon’s account made me feel unworthy to react through a blogpost of my own. He’s so good at describing the day’s events and providing the needed explanations- plus the fact that he may have just been half a kilometer from the action, and I am half- well, half a world away.
Next stop was Ms. Ellen Tordesillas’ liveblogging which started the night before. As usual, I went into reading the comments that followed the liveblog entry… and there, I found a couple of posts that tickled me into Tagalog poetry mode again.
Here’s MPRivera’s comment:
MPRivera – June 30, 2010 1:58 pm
Pagbati sa ating bagong hangal, este halal na pangulo
Na buong tiwalang pinili’t hinalal ng tao
Sana ay huwag siyang bumitiw sa pangako
Sumpa ng pagkakaisa’t tunay na pagbabago
Sa diwa ng lahing inaping kaytagal
Sana din ay ibangon ang lugmok na bayan
Na malaong inapi ng pamunuang hangal
Walang isinaisip kundi limasin ang kaban
Nagpasasa sila’ng buong kasiyahan.
Bagong mamamahalang pangako ay pag-ahon
Mula sa kinasadlakang malalim na kumunoy
Bunga ng kasibaan ng mga ganid at ulol
Magsamasama tayong ang bansa ay ibangon.
Marahil naman ngayon ay bibigyan na ng pansin
Pagpapakasakit ng diasporang mga katulad namin
Sa paghahangad ng ginhawa’y lumayo sa piling
Ng mga minamahal na buong timyas na ginigiliw.
Hayo na, mga kasama, tayo’y magkapit bisig
Hawak kamay nating isigaw sa buong daigdig
Asam na pagbabago sa ating baya’y makakamit
Luwalhati ng pag-asa sa ating muling pagbabalik.
… and here’s Balweg’s:
balweg – June 30, 2010 6:09 pm
MPRivera – June 30, 2010 1:58 pm
RE: Pagbati sa ating bagong hangal, este halal na pangulo
Aming Katotong MPR…marubdob na pagpupugay,
Itong sakbibi ng inis-talong hibol.
Sadyang mapaglaro, Not Once…but Twice,
Kapalarang sikil ng pighati’t dusa.
Di ko malirip,
Lohikang Noypi estayl politikz.
Nasabing may bagong halal na Pangulo ng bansa,
E wala pang singkweta porsyento,
Ang nakamtang boto.
Buong angkan ng HEPA B wannabees,
Alalaong bagay nagbubunyi todo-todo.
Natupad kanilang hikbi,
Mapasakamay ang enchanted kingdom.
Anong hilatsa ng tunay na kalakaran ng pagbabago,
Kung ang mga nasipa at sinipa ng rehimeng dorobo.
Ang sila ngayo’y magaaryenda,
Sa timon ng nakahandusay na Inang Bayan.
Saan ko man puntiryahing silip-silpin,
Apat na sulok ng gobyerno de bobo ng rehimeng P-Noy.
Dating hudas a sinungaling,
Sila ang magpapatakbo ng mga winindang na institusyon.
Isang araw bago ang pagsisimula ng bukang-liwayway,
Heto ngayo’y mabulaklak na pangako.
Nagtilamsikan sa kalawakan,
Upang uliniging pakinggan ng mga buryong na kukote.
Resaykel na mga NOTA…e wala namang TONO,
Nakakakulili ng tengay…hay naku ang sakit pakinggan.
Wag na siyang maghambog,
Bistado na natin ang kanyang kaliskis at hasang.
Tatlong termino sa Tongreso,
E ano ba ang kanyang maipagmamalaking nagawa.
Humirit muli ng tatlong sa Senatong,
Kahit isang batas e walang na ipasa sa plenaryo.
Malapit nang mapanot ang tuktok ng simboryo,
Heto’t ngayon lang naniningalang pugad.
Di pa swak na swak,
Kung makakahigop tayo ng mainit na sabaw.
Now, a hopelessly incurable, self-proclaimed makatang Pinoy like me (could, should, must, would, did) not resist the temptation to answer back- of course, sa paraang nakaugalian na:
Ka Enchong – June 30, 2010 7:55 pm
Ang pasya ko sana sa araw na ito’y
namnamin ang laya mula sa kumunoy.
Sariling pangako ng pananahimik-
ilalaan sana sa pananangkilik.
Dahil nakiliti ang aking panulat
kay Kumpareng Magnong kanina’y nag-ulat
ng kanyang loobin sa mga naganap
sa bayang ngumiti nang ito’y hinarap
ng bagong pinunong kanilang hinirang-
sasabat din ako’t magbibigay-galang.
Dahil sa pagtula ni katotong Balweg,
ninais ko na ring usapa’y lumawig.
Heto ako ngayong hindi matahimik
sa opisina ko kung hindi iimik.
Pag-asang bumulwak sa bayang gumising
ang nasaksihan ko sa aking paggising.
Napaaga pala ang naging pagdating
ng panunumpaing Pangulong magaling.
Sa aking pananaw, ito’y naghuhudyat-
ang Pilipino time, iwaksi na dapat.
Alam ko rin namang sa mga nagulat,
sasabihin nilang si Noynoy ay atat.
Sa mga salitang nasa talumpati
tingin ko’y tapos na ang ugaling dati
na ang lingkod-bayan ay paglilingkuran
at ang mamamayan- bakang gagatasan.
Tapos na rin, wari, ang kapalaluan
ng uring nasabik sa kapangyarihan.
Sumunod ang pulis at unang hinakbang
ang ipamalitang bawal na ang wangwang.
Ang Pangulo naman, sa kanyang pag-upo,
ang pananagumpay, hindi n’ya inako.
Sa mga kasamang may ingat na muhi
sa piniling puno ng mga kalahi-
mamali, matama, ang galaw ng pili-
mali’t mali pa rin, at mali palagi.
Sa aking masaya sa mga naganap-
tuloy ang antabay, tuloy ang pangarap.
There may have been millions of observations, interpretations and reactions to today’s historic events- none of them, unique. I also have my own set, and I know, none of the elements may be considered unique.
Until I realized this:
Dahil kay PNoy, nabuhay muli ang Balagtasan!